mga tula
KREDO
Mithing rosas na hinaharap
sa lagwertang kasaysayan,
at sinong bulaan,
sinong bulaan ang magbabadya
na mag-isa niyang matatagpas,
mag-isa niyang mabubunot
ang byoletang kasalukuyan?
Subalit di ako nag-iisa,
at ayaw kong tayo’y muli’t muling lambungan
ng lilang umaga
kaya’t kabalyero man o poinsettia ang wumawagayway
at sa martsa ng hangin,
mirasol o dama de noce man ang sumasagpang,
bawat tulang pandayin ko ay piko
na di hahayaang pumurol,
di hahayaang mangalawang.
PAGKAT TAYO'Y NAGMAMAHAL
Napopoot tayo pagkat nagmamahal:
pagkat tayo’y saksi sa pangangalawang—
tulad ng turnilyo—ng obrerong bukal
ng ating hininga; sa pangangalirang.
lalo kung gapasan, niyang nagpapala
sa mga pinitak; sa pag-uumuga
ng buto-at-balat: ang kalakhang dukha
na ikinadena sa asin at luha.
Kaya’t sumusubo ang hurno ng utak,
ang apoy sa puso’y lipyang tumatalas—
paniwala’t pasyang pinapaling lakas
na sa nang-aapi’y ukol ipang-aklas.
Napopoot tayo pagkat tayo’y nagmamahal;
nagmamahal kaya’t braso’y humahataw.
BYAHE
Pagpasok din ang paglabas,
kaya’t nang tumikom ang pinto ng bahay
matapos kang maghabilin,
magpaalam
sa mga kasamang iiwan sandali,
bumukadkad na mirasol
ang mundo sa labas, umiigkas na ngiti
kahit sinusuwag
ng kombatbuts
ang bangas na araw: hanging tumatahip, kambat ng ligasgas,
ligamgam ng yapos
na ang anas na salubong:
pumaloob
sa ubod niyang nagpupuyos,
danasin ang pusag
ng utak at puso na sinasalisod ng itim na noo
sa aspalto, burak, lansanga’t pilapil:
yagit, ipa, kalyo
at basahang kinukulob,
binubulok
sa karsel ng gabi’t huklubang tagsalat.
TAGA SA BATO
Paang nililiglig ng gapos na saka,
lunod na sa putik bago pa sumampa
ang umagang putos-tulyapis at ipa.
Pagsubsob ng araw, punso na aalsa
Sa mga pinitak ang buntunghininga.
Saka papasanin ang sako ng lipak,
ang likaw ng utang ay bitbit o sakbat.
Sa pag-aantabay, ang supling at kabyak
ay may pagkapipil na nag-ambang itak.
At ang pawis, dugo’y didildiling mumo
sa dilim ng dampa ng mga anino
na nagsisidiklap sa taga sa bato:
Hangga’t hinuhungkag ang angaw na anglit,
sa angaw ring bungo’y aapaw ang karit.
ANG MGA KRIMINAL
Naririto sila,
kasahan ng titig mula ulo hanggang paa.
Bumbunan ay helmet,
mga mata’y bala ng kanyon—
bola ng dolyar at piso—
kanila ang bungangang bihasang pumakakak
na bulak ang uwak
at uling ang tagak.
Sa bawat daliring punlo ang kuko,
tantuing pawis nati’t luha
ang ipinanghihinaw at ipinampapabango.
Damit nila ay hinabi
sa mga himaymay ng gutay na laman,
at kimpalkimpal na dugo
ang insinya’t burdang nakabudbod sa kwelyo at manggas,
lama’t dugo ng laksang anakpawis at kapanalig
na kanilang bineberdugo.
Gulong ng tanke ang ikinukubli ng suot nilang sapatos
MAGKWENTA TAYO SANDALI
Tauntaon, lumolobo ang kanilang badyet,
umiimbulog na parang dyet
habang pinauusukan tayo ng dikri at plebisit.
At walang tigil silang nagririkrut ng tauhan, nagdadagdag
ng armas at lodyistiks na gasolinang pampaningas
sa lakas nilang aandap-andap.
At nagdidiploy sila ng mas maraming tropa
para ipagtanggol daw ang masa
sa mga lugar na yakap ng talahib ang mga panga.
At naglalagay sila ng mga tsekpoynt
kahit sa Metro Manila na kanilang bastyon,
hangad daw nilang pigilan ang mga arsonista’t iba pang sabutur.
E ANO NGAYON?
E ano kung tayo daw ang pangatlo
sa mga bansang pag nanaginip ay sa salitang-Amerkano?
At dinudumog tayo, pinag-aagawan ng mga multinasyonal na korporasyon?
E ano kung paraiso daw tayo ng magagandang Mis:
nakakadalawa nang Miss Universe,
tatlong Miss International, dalawang Miss Asia
at sangkatutak na Miss Kalamismis at Miss Karinderya?
Kaya ba namumutiktik sa turista’t marino
ang Ermita, Angeles at Olongapo?
At minsan, sa sobrang panggigigil ay kinagat, natagpas
ng isang negosyanteng Hapon ang utong ng putang nilalamaslamas?
ANG DAMING MABIBILI SA PISO NGAYON
Halimbawa, kung nag-aalma ang ‘yong tiyan,
P0.15 belekoy o tsuwinggam:
hanggang bukas din ‘yang pagpipyestahan,
o hanggang sa susunod pang araw.
P0.50’y walang kasukat na salawal,
pero matuwa ka’t bago pa naman ang ‘yong basahan;
buti pa’y ibili ng dyaryo
nang makasinghot ng mababangong balita’t anunsyo.
gaya ng “Ngayon ay Linggo,
maaliwalas ang panahon, hindi babagyo.”
‘Yan kasing lagnat o anumang sakit, dumarating
di man hanapin,
mag-imbak ng aspirin:
P0.35’y tamangtamang gastusin.
P1.00’y totoong katakataka,
Mantakin mo’ng dulot nitong ginhawa.
DARATING ANG PAPA
Darating ang Papa;
inaasahang bawat isa, hindi himala bagama’t bigla,
ay imakuladang inodoro
pagsambot sa ipaaagaw ng bendita.
Humahalimuyak ang ulat:
ipagpapaliban ng mga prodyuser
ang pagbibilad ng bold na pelikula,
at sa kanto ng Taft at Libertad, and Impierno
ay temporaryong bibirangan.
Kahiyahiya sa Papa.
Inatasan ang mga Metro Aide na walsin, muli’t mulit,
ang mga libaging kalansay sa bangketa,
kulapulan ng berde ang mga galising damo.
Nakasampay sa mga dila ang hula
kung saan ipapasyal ang banal na roba:
sa Kapitbahayan o bahay-BLISS?
ANG EBANGHELYO SANG-AYON KAY SAN FERMIN, PROPETANG TAGATRUMPETA NG MAIINAM NA BALITA
malaya na kayong kung ilang siglo
ay nagtiis na busabos
at hikahos:
malaya na kayo’t di na nakabaon, di na nakapangaw
sa mga sakahan
at mga pilapil;
di na kayo magdidildil
ng nilugaw at ng asin
habang tinutungga
ng poong-maylupa
ang pawis n’yo, dugo’t luha.
Dapat lamang tumalima
sa idinikreto na hulughulugan ang lupang biyaya.
(Ipagpaumanhin ang laksang ektarya—
iyan lang ang kaya
ng lingkod n’yong abang-aba.)
Kapag naghingalo
at ang upa’y di pa buo,
kapalaran ninyong anak ang magmana’t apo ang umako
sa utang na labi.
Sa bangko’y kaydali