|
Kumakalam na lamesa ang binahang kalsada at ang buwan, ang buwa’y bingaw na pinggan nang dakutin ng paslit— mga matang kanina pa naglalaway— ang kanin, ang kanin sa bandehadong sapusapo ng weyter: tanawing sinalikop ng mga mukhang natigagal samantalang iyo’y napakapangkaraniwang bagay, tulad ng pagdaramit ng basahan, o panlalagas ng hininga sa bangketang higaan. Nanugis ang kutos pero nakailag ang ulo, at ang maliliksing paa’y pinasibad ng silbato. Sa isang ulilang sulok, nagsalusalo ang mga langaw sa biyaya, sa biyayang maramirami ding lunok. Hulyo 1977 |
| Leave a Comment: |