|
Sa barumbarong na kinukuyumos ng itim na hangin, isang sunog na katawan, halos inagnas ng kumukulong kemikal, ang pinaglalamayan ng mga granateng mukha. Wala mang mumong nakatatalilis sa silo ng mga yayat na daliri, barumbarong iyon na ayaw talikdan ang mga daga at ipis; at ngayon, sapagkat luksa, nagsasayaw ang mapuputlang dila sa punebre ng kape at tinapay. Isang karaniwang sakuna sa pabrika, at ang dalamhati ay di na maibalisbis ng luha: amarilyong pinanawan na ng sangsang, higit na mapusyaw kaysa ningas ng kandilang kumikisay. Sa bawat tikom na abuhing bibig, bumubukadkad ang mga nagdurugong ngiti, at tumitina, untiunti, sa burak ng gabi. Nobyembre 1979? |
| Leave a Comment: |