12.24.2004
KREDO

 

Mithing rosas na hinaharap

sa lagwertang kasaysayan,

at sinong bulaan,

sinong bulaan ang magbabadya

na mag-isa niyang matatagpas,

mag-isa niyang mabubunot

ang byoletang kasalukuyan?

Subalit di ako nag-iisa,

at ayaw kong tayo’y muli’t muling lambungan

ng lilang umaga

kaya’t kabalyero man o poinsettia ang wumawagayway

at sa martsa ng hangin,

mirasol o dama de noce man ang sumasagpang,

bawat tulang pandayin ko ay piko

na di hahayaang pumurol,

di hahayaang mangalawang.

 

Hunyo 1974


Posted at 24.12.04 by itimatputi

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home

POEMS
AND
TRANSLATIONS
OF
ROMULO A. SANDOVAL
26 Hulyo 1950 -
8 Pebrero 1997


Makata ng Taon sa Talaang Ginto noong 1975, si Romulo A. Sandoval ay isa sa mga modernistang tinig ng mga anakpawis. Dalawang beses siyang nagwagi sa tula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature-- pangatlong gantimpala noong 1977 at unang gantimpala noong 1981. Pangahas sa wika at imahen, progresibo't makabayan sa diwa at gawa, si Mulong ay isang tunay na rebolusyonaryong makata.

Siya'y tubong Bauan, Batangas.



Ang ilan sa mga tula sa koleksyong ito na inilathala ng SIPAT PUBLICATIONS at SINING SA KOMUNIKASYON, ADBERTAYSING AT PABLISING (SIKAP) ay nalathala sa mga sumusunod na publikasyon: Kamao, The Diliman Review, Galian, The Literary Apprentice, The Philippine Collegian, Talaang Ginto sa Tula at Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino.

Ang mga sumusunod na tula ay ginawan ng maliliit o di kaya'y mayor na rebisyon: "Abo ng Ulilang Tala, Liyab ng Angaw na Piko at Lingkaw;" "Apatnaraang Matadero;" "Araw-araw, Nagpipyesta ang mga Langaw;" "Byahe;" "Ang Kanilang mga Karapatan;" "Ang mga Kriminal;" "Ang Daming Mabibili sa Piso Ngayon;" "Darating ang Papa;" "Ang Ebanghelyo Sang-ayon Kay San Fermin, Propetang Tagatrumpeta ng Maiinam na Balita;" "E Ano Ngayon?;" "Gabi, sa Isang Kapihan;" "Harana;" "Lamay;" "Pagkat Tayo'y Nagmamahal;" "Sampunit na Langit;" "Tumatayog, Lumalawak ang mga Bilding at Resort." Ang mga petsa sa hiluhan ng mga tula ay tumutukoy sa mga pinal na burador o bersyon; hindi naitala o hindi masigurado (petsang may tandang pananong) ana sa iba pa.

TAUSPUSO AT WALANG HANGGANG PASASALAMAT:
> sa Komite: Reuel M. Aguila, Tomas Agulto, Donato M. Alvarez, Flor Caagusan, Danilo A. Consumido, Jesus Manuel Santiago;
> sa mga Kasama sa Kilusan at mga Kapanalig at Kaalyado ng Pambansa-demokratikong Rebolusyong Pilipino;
> sa mga kamag-anak;
> sa mga kaibigang sumusuporta: Monico M. Atienza, Flor Caagusan, Leoncio & Linda Co, George & Mercy Fabros, Mon & Iting Isberto, Sol Juvida, Doming & Edna May Landicho, Bien Lumbera, Elynia Mabanglo, Tet Maceda, Jo-Ann Maglipon & Ding Marcelo, Bobbie Malay & Satur Ocampo, Dick Malay, P.T. Martin, Nanette Matilac, Mario Miclat, Elmer & Tita Ordonez, Carol Pagaduan, Lilia Quindoza, Gil Quito, Aida F. Santos, Judy Taguiwalo, Luis V. Teodoro, Nic Tingson, Del Tolentino, Bobby Tuazon;
> kina Dr. Susan Balingit, Dr. Carmelita C. Canila at Dr. Jesusa M. Carlos;
> kay Fanny, matalik na kaibigan;

> kina June, Jimmy, Gelacio, Tonette, Joe at Nico;

kina Chuck at We, Rita Manuel at Jovy Zarate;

sa GAT at PANULAT.


   







rss feed