12.23.2004
PAGKAT TAYO'Y NAGMAMAHAL

 

Napopoot tayo pagkat nagmamahal:

pagkat tayo’y saksi sa pangangalawang—

tulad ng turnilyo—ng obrerong bukal

ng ating hininga; sa pangangalirang.

 

lalo kung gapasan, niyang nagpapala

sa mga pinitak; sa pag-uumuga

ng buto-at-balat: ang kalakhang dukha

na ikinadena sa asin at luha.

 

Kaya’t sumusubo ang hurno ng utak,

ang apoy sa puso’y lipyang tumatalas—

paniwala’t pasyang pinapaling lakas

na sa nang-aapi’y ukol ipang-aklas.

 

Napopoot tayo pagkat tayo’y nagmamahal;

nagmamahal kaya’t braso’y humahataw.

 

Hulyo 1977


Posted at 23.12.04 by itimatputi

jojhun
November 28, 2009   12:19 PM PST
 
..................
wala namang kwenta eh!!!!!!!!!!!!!!1
sus
June 16, 2009   05:37 PM PDT
 
hayz walang sense di pa mabenta.
quennie
June 28, 2008   02:42 PM PDT
 
ngek..
d nman gnyan hinahanap q eh....
cathy
July 28, 2007   09:35 AM PDT
 
pairam poh nito my project lng poh kmi sa filipino eh,,kelangan lng poh,,tnx pouh!!!
trisha
June 25, 2007   07:39 PM PDT
 
pahiram po ng tula kailangan lang po sa filipino namin. salamat!
makaveli moki
February 28, 2007   01:08 AM PST
 
pahiram po.. iaalay ko po sa aking irog.. salamat po.. =)...
franco
May 9, 2005   02:47 PM PDT
 
maganda ang message nya nagustuhan ko grabe
Levi Jairo
March 21, 2005   12:44 PM PST
 
hiniram ko po itong tula para sa project namin. salamat po.
rona
March 9, 2005   11:30 AM PST
 
hiniram ko po itong tula na ito.....kelangan lang po sa filipino namin...sa panitikan...project lang po salamat
rustum
February 10, 2005   05:48 PM PST
 
hiniram ko po ito. pahiram po.
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry

POEMS
AND
TRANSLATIONS
OF
ROMULO A. SANDOVAL
26 Hulyo 1950 -
8 Pebrero 1997


Makata ng Taon sa Talaang Ginto noong 1975, si Romulo A. Sandoval ay isa sa mga modernistang tinig ng mga anakpawis. Dalawang beses siyang nagwagi sa tula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature-- pangatlong gantimpala noong 1977 at unang gantimpala noong 1981. Pangahas sa wika at imahen, progresibo't makabayan sa diwa at gawa, si Mulong ay isang tunay na rebolusyonaryong makata.

Siya'y tubong Bauan, Batangas.



Ang ilan sa mga tula sa koleksyong ito na inilathala ng SIPAT PUBLICATIONS at SINING SA KOMUNIKASYON, ADBERTAYSING AT PABLISING (SIKAP) ay nalathala sa mga sumusunod na publikasyon: Kamao, The Diliman Review, Galian, The Literary Apprentice, The Philippine Collegian, Talaang Ginto sa Tula at Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino.

Ang mga sumusunod na tula ay ginawan ng maliliit o di kaya'y mayor na rebisyon: "Abo ng Ulilang Tala, Liyab ng Angaw na Piko at Lingkaw;" "Apatnaraang Matadero;" "Araw-araw, Nagpipyesta ang mga Langaw;" "Byahe;" "Ang Kanilang mga Karapatan;" "Ang mga Kriminal;" "Ang Daming Mabibili sa Piso Ngayon;" "Darating ang Papa;" "Ang Ebanghelyo Sang-ayon Kay San Fermin, Propetang Tagatrumpeta ng Maiinam na Balita;" "E Ano Ngayon?;" "Gabi, sa Isang Kapihan;" "Harana;" "Lamay;" "Pagkat Tayo'y Nagmamahal;" "Sampunit na Langit;" "Tumatayog, Lumalawak ang mga Bilding at Resort." Ang mga petsa sa hiluhan ng mga tula ay tumutukoy sa mga pinal na burador o bersyon; hindi naitala o hindi masigurado (petsang may tandang pananong) ana sa iba pa.

TAUSPUSO AT WALANG HANGGANG PASASALAMAT:
> sa Komite: Reuel M. Aguila, Tomas Agulto, Donato M. Alvarez, Flor Caagusan, Danilo A. Consumido, Jesus Manuel Santiago;
> sa mga Kasama sa Kilusan at mga Kapanalig at Kaalyado ng Pambansa-demokratikong Rebolusyong Pilipino;
> sa mga kamag-anak;
> sa mga kaibigang sumusuporta: Monico M. Atienza, Flor Caagusan, Leoncio & Linda Co, George & Mercy Fabros, Mon & Iting Isberto, Sol Juvida, Doming & Edna May Landicho, Bien Lumbera, Elynia Mabanglo, Tet Maceda, Jo-Ann Maglipon & Ding Marcelo, Bobbie Malay & Satur Ocampo, Dick Malay, P.T. Martin, Nanette Matilac, Mario Miclat, Elmer & Tita Ordonez, Carol Pagaduan, Lilia Quindoza, Gil Quito, Aida F. Santos, Judy Taguiwalo, Luis V. Teodoro, Nic Tingson, Del Tolentino, Bobby Tuazon;
> kina Dr. Susan Balingit, Dr. Carmelita C. Canila at Dr. Jesusa M. Carlos;
> kay Fanny, matalik na kaibigan;

> kina June, Jimmy, Gelacio, Tonette, Joe at Nico;

kina Chuck at We, Rita Manuel at Jovy Zarate;

sa GAT at PANULAT.


   







rss feed