12.21.2004
TAGA SA BATO

 

Paang nililiglig ng gapos na saka,

lunod na sa putik bago pa sumampa

ang umagang putos-tulyapis at ipa.

Pagsubsob ng araw, punso na aalsa

Sa mga pinitak ang buntunghininga.

 

Saka papasanin ang sako ng lipak,

ang likaw ng utang ay bitbit o sakbat.

Sa pag-aantabay, ang supling at kabyak

ay may pagkapipil na nag-ambang itak.

 

At ang pawis, dugo’y didildiling mumo

sa dilim ng dampa ng mga anino

na nagsisidiklap sa taga sa bato:

 

Hangga’t hinuhungkag ang angaw na anglit,

sa angaw ring bungo’y aapaw ang karit.

 

Hunyo 1979


Posted at 21.12.04 by itimatputi

erl
October 8, 2009   05:52 PM PDT
 
ang eepal ninyong lahat!!!!!!!!
erl
October 8, 2009   05:50 PM PDT
 
hi
erl
October 8, 2009   05:50 PM PDT
 
hi po
bakulaw
September 15, 2009   10:28 PM PDT
 
pwde naman icopy, baguhin nyo lang ung font color... jeje
wew!.
August 9, 2009   05:04 PM PDT
 
pede naman icopy ahh...

...ubub...
adel
November 16, 2008   08:48 PM PST
 
oo nga bat s pwede e copy???? aanhin pa to kung d pwede e copy
daniel
August 30, 2008   11:24 AM PDT
 
bk8 d pwe d e copy
Jimmy A. Domingo
March 18, 2008   10:55 AM PDT
 
hi jason, kung alam mo ang UP Hostel sa diliman, pumasyal ka dun sa may veranda, at laging mga mga myembo ng GAT na naghuhuntahan doon.
Jason
March 17, 2008   12:40 PM PDT
 
MAy alam po ba kayo san ang office ng GAT or IPASA? Hinahanap ko po kasi ang mga essays na sinulat ni Mulong Sandoval during the Martial Law Period. Salamat po.
ken
August 14, 2007   09:34 PM PDT
 
anu po ba ibig ipakahulugan ng inyong matalinghagang tula na taga sa bato?
trisha
June 25, 2007   07:40 PM PDT
 
pahim po kailangan sa filipino eh...salamat po!
Kawal
February 28, 2007   09:49 PM PST
 
hanep si Ka Mulong, "Hangga’t hinuhungkag ang angaw na anglit, sa angaw ring bungo’y aapaw ang karit."
sukat na sukat.
tugmang-tugma.
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry

POEMS
AND
TRANSLATIONS
OF
ROMULO A. SANDOVAL
26 Hulyo 1950 -
8 Pebrero 1997


Makata ng Taon sa Talaang Ginto noong 1975, si Romulo A. Sandoval ay isa sa mga modernistang tinig ng mga anakpawis. Dalawang beses siyang nagwagi sa tula sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature-- pangatlong gantimpala noong 1977 at unang gantimpala noong 1981. Pangahas sa wika at imahen, progresibo't makabayan sa diwa at gawa, si Mulong ay isang tunay na rebolusyonaryong makata.

Siya'y tubong Bauan, Batangas.



Ang ilan sa mga tula sa koleksyong ito na inilathala ng SIPAT PUBLICATIONS at SINING SA KOMUNIKASYON, ADBERTAYSING AT PABLISING (SIKAP) ay nalathala sa mga sumusunod na publikasyon: Kamao, The Diliman Review, Galian, The Literary Apprentice, The Philippine Collegian, Talaang Ginto sa Tula at Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino.

Ang mga sumusunod na tula ay ginawan ng maliliit o di kaya'y mayor na rebisyon: "Abo ng Ulilang Tala, Liyab ng Angaw na Piko at Lingkaw;" "Apatnaraang Matadero;" "Araw-araw, Nagpipyesta ang mga Langaw;" "Byahe;" "Ang Kanilang mga Karapatan;" "Ang mga Kriminal;" "Ang Daming Mabibili sa Piso Ngayon;" "Darating ang Papa;" "Ang Ebanghelyo Sang-ayon Kay San Fermin, Propetang Tagatrumpeta ng Maiinam na Balita;" "E Ano Ngayon?;" "Gabi, sa Isang Kapihan;" "Harana;" "Lamay;" "Pagkat Tayo'y Nagmamahal;" "Sampunit na Langit;" "Tumatayog, Lumalawak ang mga Bilding at Resort." Ang mga petsa sa hiluhan ng mga tula ay tumutukoy sa mga pinal na burador o bersyon; hindi naitala o hindi masigurado (petsang may tandang pananong) ana sa iba pa.

TAUSPUSO AT WALANG HANGGANG PASASALAMAT:
> sa Komite: Reuel M. Aguila, Tomas Agulto, Donato M. Alvarez, Flor Caagusan, Danilo A. Consumido, Jesus Manuel Santiago;
> sa mga Kasama sa Kilusan at mga Kapanalig at Kaalyado ng Pambansa-demokratikong Rebolusyong Pilipino;
> sa mga kamag-anak;
> sa mga kaibigang sumusuporta: Monico M. Atienza, Flor Caagusan, Leoncio & Linda Co, George & Mercy Fabros, Mon & Iting Isberto, Sol Juvida, Doming & Edna May Landicho, Bien Lumbera, Elynia Mabanglo, Tet Maceda, Jo-Ann Maglipon & Ding Marcelo, Bobbie Malay & Satur Ocampo, Dick Malay, P.T. Martin, Nanette Matilac, Mario Miclat, Elmer & Tita Ordonez, Carol Pagaduan, Lilia Quindoza, Gil Quito, Aida F. Santos, Judy Taguiwalo, Luis V. Teodoro, Nic Tingson, Del Tolentino, Bobby Tuazon;
> kina Dr. Susan Balingit, Dr. Carmelita C. Canila at Dr. Jesusa M. Carlos;
> kay Fanny, matalik na kaibigan;

> kina June, Jimmy, Gelacio, Tonette, Joe at Nico;

kina Chuck at We, Rita Manuel at Jovy Zarate;

sa GAT at PANULAT.


   







rss feed